Para
sa akin ay makulay ang nakaraan ko. Makulay na ang ibig kong
ipakahulugan ay maraming pangyayari na hindi ko lubos maisip kung bakit
biglang dumating ito sa akin. Ngunit inaamin ko sa aking sarili na ako
talaga ang nagkamali. Dahil kung hindi siguro ako nagpadala sa tukso at
buyo ng damdamin ay baka buo pa rin ang pamilya ko.
Tahimik
kaming nagsasama ng aking asawa. Apat ang anak na mga binatilyo’t
dalagita na. Ngunit mahirap din pala kapag nagkakasabay-sabay na
lumalaki ang inyong mga anak. Problema namin kadalasan ang panggastos sa
araw-araw eh hindi naman kalakihan ang kinikita ng mister ko.
Natuto
kaming mag-asawa na magtiis, magtipid at isakripisyo ang personal na
kaligayahan alang-alang sa mga anak namin. Kapag magkasarinlan na kami
sa gabi ay doon namin napapag-usapan na pasasaan at balang araw ay
giginhawa rin ang buhay namin kapag napagtapos ang mga bata sa
pag-aaral.
Ngunit
sadya talaga sigurong dumarating ang mga pagsubok sa buhay. Ang
masakit, pag dumating pa ito ay kumakapit sa mga taong katulad namin na
maliit lang ang katayuan sa buhay. Natutong gumamit ng bawal na gamot
ang pangalawa naming anak na lalaki. Buong akala naming mag-asawa ay
maayos na nag-aaral siya ngunit hindi pala.
Nalaman
ko na lang sa kanilang eskwela na hindi pumapasok ang anak ko.
Pinatawag ako ng teacher niya para kausapin tungkol dito. Kinausap
naming mag-asawa ang pangalawa ngunit nagkasakitan pa sila ng kanyang
ama. Mula noon, hindi na pumasok ang anak ko at naging palaboy na lang. Kapag umuuwi naman ay nag-aaway silang mag-ama.
Magmula noon
laging buryong ang asawa ko. Parang na-depress siya sa ginawa ng anak
namin. Hirap na hirap kaming maiahon sila tapos ganito pa ang gagawin
niya sa amin ng kanyang ama. At imbes na magbago at humingi ng tawad sa
kanyang ginawa ay pinili pa na magpakalulong sa kanyang barkada na
masamang impluwensiya sa kanya.
Matagal-tagal
na rin iyon nang biglang may dumating na isa pang dagok sa buhay namin.
Kasama ang asawa ko sa naalis sa kanilang trabaho dahil hindi na raw
kayang magpasuweldo ng maraming tauhan. Ang konting natanggap ng mister
ko ay hindi rin nagtagal at naubos agad. Nakahanap naman siya pero hindi
permanente. Simula noon pa-sideline, sideline na lang kung mamasukan
ang mister ko kaya naman ang hirap pagkasyahin ng kanyang pera.
Dito
kami umabot sa puntong nanghihiram na ako ng panggastos minsan. Ang
minsan ay naging madalas. Nagkagalit pa nga kami ng isang kapatid ko na
hindi namin mabayaran agad ang naiipon na palang pagkakautang namin.
Wala namang maitulong ang mga magulang ko dahil matatanda na sila.
Ang
hirap ng kalagayan namin. Nagsasakripisyo’t nagtitiis na nga kaming
mag-asawa para sa aming mga anak ngunit hindi pa rin ito sapat.
Kailangan talaga ang pera upang makaraos kami. Gusto ko sanang umuwi na
lang kami sa probinsya ng mga magulang ko ngunit ayaw ng asawa ko.
Pipilitin daw niyang kayanin na balikatin ang kanyang pasanin. Ngunit
alam kong sa salita lang niya magagawa iyon.
Sa
lugar na lang namin ay kinakapalan ko na lang ang aking mukha sa
panghihiram kapag kapos na kapos talaga kami. Lalo na kapag kailangan ng
mga bata ang pera. Dagdag na pabigat pa ang nagloko naming anak dahil
minsan nahuli at naawa naman ako na makulong kaya ginawan ko ng paraan
na mailabas dahil menor de edad pa.
Galit
na galit sa akin ang asawa ko. Inaway ko dahil bakit ko pa raw
kinunsinti samantalang hindi na nga raw siya nirerespeto. Idinadaan ko
na lang lahat sa iyak kapag mag-isa na lang ako sa bahay. Mabigat sa
kalooban ko ang ginawa ng anak kong lalaki ngunit hindi ko rin matiis na
malamang nakakulong siya. Ngunit hayun ang tarantadong anak ko,
paglabas ay parang walang anumang nangyari at bumalik pa rin sa dating
gawi.
Hindi
iyon ang unang pagkakahuli sa kanya. Nang sumunod ay nalaman na ng
asawa ko at pinagsabihan agad ako na huwag nang pakikialaman para
magkaroon daw ng leksyon. Ilang araw rin na hindi ako mapagkatulog sa
pag-aalala. Hindi siguro ako masisisi Xerex na mag-alala dahil sino ba
namang ina ang hindi malulusaw ang puso kapag may nangyaring masama sa
kanyang anak. Ngunit lahat ng ito ay kinimkim ko lang sa aking sarili.
Gusto
ko sanang tikisin ang aking anak para maturuan ng leksyon. Ngunit
bumigay rin ang pusong ina sa akin. Nag-isip ako kung paano makakagawa
ng paraan para mailabas siya. Kailangan ko na naman ng pera at iyon ang
problema kung saan ako maghahagilap ng pampiyansa sa kanya.
Nahihiya
na akong lumapit sa mga dati kong nilalapitan. Lalo pa siguro kung
lalapit ulit ako sa kanila at malalaman na gagamitin ko lang para sa
anak kong nakulong. Ngunit kailangan kong kumilos hanggang sa may
nakapagsabi sa akin na subukan ko raw kausapin ang kapitbahay naming si
Nanding.
Si
Nanding ay hindi naman mayaman ang pamilya. Ngunit medyo nakakaangat
ang buhay nila roon sa kalye namin. Kailanman ay hindi ko pa nasubukang
lumapit sa kanya. Kaya ito ang unang pagkakataon na susubukan ko pa lang
hingan siya ng tulong.
May
asawa’t mga anak na rin si Nanding. Tahimik ang kanilang buhay ngunit
kilala siya sa lugar namin na mahusay makisama. Katunayan madalas na may
nag-iinuman sa bahay nila. Ang mga kainuman niya ay ang kanyang mga
barkada roon sa lugar namin.
Dala
ng mahigpit na pangangailangan, lakas-loob akong pumunta sa kanila. Ang
kanyang asawa ang una kong nakausap ngunit mabuti pa raw kung si
Nanding ang diretsong kausapin ko dahil hindi siya ang humahawak ng pera
nila. Tinawag si Nanding at paglabas ay iniwan kami ng kanyang asawa sa
kanilang sala.
Bago
pa ako nakapagsalita ay inunahan na ako ni Nanding. Kung sadya ko raw
ay humiram para sa anak kong nakulong ay walang problema. Lumukso ang
puso ko sa labis na katuwaan. Hindi na ako nahirapang kausapin pa sila
at parang siya na mismo ang nag-alok ng tulong sa akin. Laking
pasasalamat ko sa kanila at nangakong babayaran agad kapag nagkaroon na
ako ng pera kahit ang totoo ay hindi ko pa naiisip kung saan ko naman
hahagilapin ang ipambabayad sa kanila.
Ngunit
bago ako umalis ay mahigpit ko siyang pinakiusapan na huwag na huwag
makakarating sa kaalaman ng aking asawa na humiram ako sa kanila.
Nangako naman si Nanding at sabi pa nga sa akin ay naiintindihan daw
niya na nag-aaway ang mag-ama ko.
Lumabas
ang anak ko ngunit hindi siya umuwi sa amin. Pumupunta lang siya kapag
alam na wala ang kanyang ama. Ako naman ay problemado na sa dami ng
kompromiso. Lalo na nang pinuntahan ako ng anak ni Nanding at
pinatatanong daw ng kanyang ina ang hiniram ko. Wala akong maisagot at
sinabihan ko na lang ang bata na pupunta ako sa kanila.
Tuliro
ako at hiyang-hiya habang kausap ko ang kanyang asawa na medyo may
kasungitan ng araw na kausapin ko. Buti na lang lumabas si Nanding at
siya na raw ang bahalang makipag-usap sa akin tutal sa kanya ako
personal na humiram.
Inamin
ko ang totoo kay Nanding na wala pa akong maibabalik kahit magkano sa
aking hiniram. Naunawaan naman niya ako at pumayag na kapag nakaluwag na
ay saka ko na lang ibibigay sa kanya ang hiniram ko. Hiyang-hiya ako
ngunit kailangan kong kapalan ang aking mukha.
Wala
akong kaalam-alam na ang kabaitang ipinakita sa akin ni Nanding ang
unti-unti palang magtutulak sa akin sa kumunoy ng pagkakasala. Umpisa
noon kapag napapadaan ako sa kanila at natitiyempong nasa labas si
Nanding ay tinatawag niya ako. Hindi para maningil kundi kinukumusta
lang ang aking anak. Wala naman akong ibang masabi kundi ang totoo na
hindi pa rin nagbabago ang anak ko.
Kahit
may mga kaharap siyang barkada at nag-iinuman sila, kapag dumadaan ako
sa kanila at nakita niya ay tinatawag ako ni Nanding. Tumatayo pa iyan
sa kanyang kinauupuan para lumapit sa akin at makipag-usap sandali.
Nahihiya
akong lumapit kapag nandoon ang kanyang mga kaibigan dahil kung
makatingin ay parang mga nakakaloko at nagbubulungan pa ang iba. Ngunit
nahihiya naman akong hindi lumapit dahil sa kompromiso ko kay Nanding.
Ganun
ng ganun lagi. Ako na nga ang umiiwas na dumaan sa kanila. Hangga’t
maaari ay ayokong matatawag pa niya kapag kaharap ang kanyang mga
barkada. Subalit magkapitbahay kami kaya hindi maiiwasan na mapadaan ako
ng madalas sa kanila.
Gabi
noon at walang ibang tao sa bahay kundi ako lang. Biglang dumating si
Nanding na itsura pa lang ay halatang nakainom. Hindi ko malaman ang
aking gagawin sa pag-aakalang maniningil na siya. Pero pinakiharapan ko
ng maayos at pinapasok ko pa sa loob ng bahay.
Hinatid
daw niya sa labasan ang kanyang mga kaibigan. Wala raw siyang ibang
sadya kundi ako. Nang magpapaliwanag na sana ako tungkol sa hiniram ko
sa kanila ay bigla niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay. Kumabog
ang dibdib ko sa ginawa ni Nanding. Pisil pa lang niya sa kamay ko,
ramdam ko nang may halo itong malisya.
May
itsura ka at bata pa. Mukhang matanda ka lang dahil siguro sa problema
n’yong mag-asawa,” ayon kay Nanding. Tinanong ko siya kung ano’ng ibig
sabihin ng kanyang ginagawa sa akin. Ngumiti si Nanding sabay sabi sa
akin na kung nakakaintindi raw ako, dapat ay alam ko kung ano ang ibig
n’yang sabihin sa akin.
Inalis
ko ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak. Sabay pinakiusapan siya na
kung maaari ay umalis na at baka abutan pa kami ng aking asawa. Tiyak
‘kako na magtatanong iyon kung bakit nandoon si Nanding sa bahay at baka
malaman na humiram ako sa kanila para mailabas lang ang anak ko.
Imbes
na pakinggan ang pakiusap ko ay lumapit muli si Nanding sa akin at
hinawakan uli ako sa kamay. Umiwas ako ngunit kasabay ng pag-iwas ko ay
niyakap niya ako. Nagpanting ang tenga ko sa galit at pilit ko siyang
itinutulak. Ngunit wala akong magawa dahil mas malakas siya sa akin.
Hindi
ko rin magawang sumigaw dahil ewan ko ba kung bakit unang pumasok sa
utak ko ay baka marinig kami sa bahay nila na katabi lang sa amin.
Nagpumiglas ako ngunit hindi bumitiw si Nanding. Hanggang sa nahalikan
niya ako sa labi. Kung hindi ko pa siya kinagat sa labi ay hindi pa
lalayo sa akin.
Lasing
ka lang, umuwi ka na bago pa dumating ang asawa ko,” sabi ko kay
Nanding. Akmang lalapit uli siya sa akin ngunit lumayo na ako. Nagsalita
siya at sabi sa akin, pag-isipan ko raw ang sinabi niya sa akin sabay
humakbang palabas.
Ngunit
bago tuluyang lumabas ng bahay namin ay nagbitiw pa ng salita. “Masarap
ka pa rin halikan. Pag may problema ka, `wag kang mahihiyang lumapit
ulit sa akin,” ayon kay Nanding na nakangiti. Sa kanyang sinabi ay
pinunasan ko ang aking labi para mawala ang bakas ng kanyang halik.
Hindi
ko kinuwento ang nangyari sa amin ni Nanding pagdating ng asawa ko.
Ayo-kong madagdagan pa ang kanyang problema. Ngunit hindi ako makatulog
kahit nakahiga na katabi ang aking asawa. Naglalaro sa isip ko ang
ginawa sa akin ni Nanding kanina at paulit-ulit na bumabalik sa aking
alaala ang kanyang mga sinabi.
Simula
noon ay iniwasan ko na talaga hangga’t maaari ang magkita kami ni
Nanding. Nag-iisip na rin ako ng paraan kung paano maibabalik ang
hiniram kong pera sa kanila. Alam kong hangga’t may kompromiso ako sa
kanila ay naroroon ang pagkakataon para kay Nanding na makalapit sa
akin.
Ngunit
nasundan muli ang ginawa niya sa akin. Itinaon niyang mag-isa uli ako
sa bahay at araw pa man din kung kailan wala sa bahay ang aking asawa
dahil pumasok sa trabaho at nag-aaral ang mga anak namin. Mas malakas
ang loob ni Nanding ng araw na iyon. ‘Di ko nga sukat-akalain na
darating siya at wala akong kaalam-alam na nakapasok na pala siya sa
loob ng aming pamamahay na hindi ko man lang nalalaman.
Nasa
kusina ako noon nang bigla siyang pumasok na lang. Akala ko, ang asawa
ko lang na hinawakan ako sa bewang. Hindi ko kasi nakita ang pagpasok
niya dahil nakatalikod ako at naghuhugas ng kaldero sa lababo. Hindi ko
rin narinig kahit kaluskos man lamang niya dahil siguro ingat na ingat
din sa pagpasok para hindi ko marinig.
Sa
gulat ko ay hinarap ko kung sino ang humawak sa aking bewang na
sinundan pa ng pagtapik sa aking balikat. Si Nanding na naman! Inamoy ko
kung lasing ngunit hindi naman at wala rin sa itsura niya ang nakainom
ng alak gaya ng unang pumasok siya sa bahay namin na mag-isa lang ako.
“Bakit
bumalik ka pa?” sabi ko. Hindi ako sinagot, sa halip ay niyakap at
sinibasib ako ng halik sa labi. Lumaban ako ngunit nangibabaw ang
kanyang lakas. Nang pagbantaan kong sisigaw ako para marinig sa bahay
nila ay lalo pa akong niyakap at hinalikan sa labi.
Pilit
akong nagpupumiglas mula sa kanyang yakap ngunit pinag-ibayo pa ni
Nanding ang pagkakayakap sa akin at para siguro hindi ako makasigaw ay
mariing hinalikan ang aking labi. Saka lang niya ako binitawan nang
hindi na ako gumagalaw at hinayaan siya sa kanyang kalapastanganan.
Ngunit ramdam ko ang kanyang mga halik sa aking labi.
“Umalis
ka na bago pa makarating sa asawa ko ito,” sabi ko sa kanya. Ngunit
hindi natinag sa kanyang kinatatayuan si Nanding. “Kursunada kita at
kung payag ka, wala namang makakaalam nito dahil itatago natin at
matutulungan pa kita,” ayon sa kanya.
Hindi
ako nakakibo sa kanyang sinabi. Pero aaminin ko sa iyo Xerex na natukso
ang isip ko sa inaalok ni Nanding. Alam kong malaki ang kanyang
maitutulong sa akin sakaling pumayag ako ngunit namamayani rin sa dibdib
ko ang takot sakaling sumawsaw ako sa pagkakasala.
Nakatulugan
ko pa ang pag-iisip. Kaya lang ako nagising dahil parang naalimpungatan
at iyon pa rin ang laman ng isip ko, ang nangyari sa amin kahapon at
ang nakatakdang pagkikita namin ni Nanding ng araw na iyon. Hindi ako
makakilos ng maayos kahit mag-isa na lang sa bahay. Hindi ko tuloy
nagawa ang mga dapat gawin dahil parang nanlalata ang aking katawan dala
na rin ng pagkapuyat sa halos magdamag na pag-iisip.
Wala
akong nabuong desisyon kundi kusang sumipot na lang sa lugar na sinabi
ni Nanding sa akin. Pagdating ko roon ay nandoon na siya. Kita niya agad
ako habang naglalakad papalapit pa lang sa lugar na sinabi niya sa
akin. Nang makalapit na ako ay nagkunwari si Nanding na kinakausap niya
ako tungkol sa pera ngunit pabulong na sinabihan akong palipasin ko lang
daw ang ilang minuto at sundan ko na siya kung saang direksyon pumunta.
Parang
amo ko siya na sunud-sunuran lang ako kung ano ang ibig niyang ipagawa
sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay sinundan ko siya palabas ng
palengke. Hinihintay lang pala niya ako sa labasan at saka lang siya
tumawag ng tricycle at doon kami sumakay. Saka niya pinara ang tricycle
nang makalayo na kami sa lugar namin at pumara naman ng jeep.
Habang
lulan ng jeep ay saka ipinaliwanag sa akin ni Nanding na kaya lang niya
ginawa iyon, para makaiwas sa sinumang maaaring makakita sa amin. Dito
ko siya tinanong kung saan kami pupunta. Sa mas ligtas na lugar lang daw
kami pupunta para makapag-usap.
Sa
isang karinderya kami tumuloy. Umorder pa siya ng pagkain at habang
kumakain kami ay saka lang niya binuksan ang usapan tungkol sa amin.
Ipinaliwanag niya na hindi raw niya gustong guluhin ang buhay ng pamilya
ko. Ayaw rin daw sana niyang gawin iyon na pinuntahan pa ako sa bahay
kung hindi lang dala ng kalasingan niya noong unang pumunta siya sa
amin. Ang pangalawa ay ginawa raw niya dahil alam na raw niyang ako lang
ang tao sa bahay.
“Ano’ng
gusto mo?” sabi ko sa kanya habang nasa kalagitnaan ng pagsasalita si
Nanding. Gaya ng dati, walang kagatul-gatol na ipinagtapat sa akin ni
Nanding na ako ang gusto niya at wala nang ibang dahilan.
“Eh
bakit ako pa, may asawa na ako,” isinagot ko sa kanya. Ngiti lang ang
itinugon ni Nanding sa akin. Nang makita siguro na parang nag-uusisa ako
sa pagkakatingin sa kanya ay saka lang sumagot. “Wag mong isipin na
sinasamantala ko ang problema n’yo, kursunada na talaga kita noon pa.
Sabi ko nga sayo, bata ka pa at maganda. Mukhang matanda ka lang dahil
sa problema n’yo,” ayon sa kanya sabay ngumiti uli.
Magsasalita
pa sana ako ngunit pinutol agad ni Nanding. Sinabihan ako na mabuti
pang kumain na lang daw kami. “Saan tayo pupunta pagkatapos dito?” sabi
ko sa kanya. Wala raw kaming ibang pupuntahan kundi doon lang para
mag-usap.
Buong
akala ko na ng mga sandaling iyon ay yayayain agad ako ni Nanding kung
saang lugar para magawa ang gusto niyang gawin sa akin ngunit hindi
pala. Naging mabait siya sa akin ng araw na iyon. Habang nasa loob kami
ng karinderya ay inasikaso niya ako bagay na hindi na nagagawa sa akin
ng asawa ko dahil subsob sa trabaho.
Pansamantalang
nawala sa loob ko ang pag-aalala. Matapos makakain ay kinausap na ako
ng masinsinan ni Nanding. Naging usapan namin na sa labas lang
magkikita. Kung may kailangan daw ako ay sabihin ko na sa kanya kapag
magkasama kami at hindi puwedeng pupuntahan ko pa siya sa bahay nila.
Mabuti na raw iyon para makaiwas sa mga suspetyosong mata sa lugar
namin.
“Binabayaran
mo ba ako?” sabi ko sa kanya. Natawa si Nanding sa sinabi ko sabay
inakbayan ako at pabulong na sinabing, “Madali lang makakuha ng babae
kung pera-pera ang usapan pero ayoko ng ganun.” Hindi na ako kumibo sa
aking narinig.
Nang
maghiwalay kami ng araw na iyon ay alam ko na sa aking sarili na
nakalubog na ang isang paa ko sa kumunoy ng pagkakasala. At unti-unti
akong lumulubog habang tumatagal na nagkikita kami ni Nanding. Ang mga
bagay na hindi ko naisip na gagawin ko pala balang araw ay nagsimula ko
nang gawin sa kanya. Tinukso ako at nagpatukso naman ako hanggang sa
tuluyang lumubog ang aking pagkatao.
Magmula
noon ay ginampanan ko na ang ibig mangyari ni Nanding. Ngunit hindi
kabit ang turing niya sa akin. Alagang-alaga niya ako. Hindi man ako
humihingi sa kanya ay kusa niya akong binibigyan bago kami maghiwalay
kapag nagkikita. Kabilin-bilinan lang niya sa akin na huwag ko raw
ipapahalata sa bahay kapag binibigyan ako dahil siguradong pagdududahan
ako. Sinunod ko naman ang kanyang bilin dahil alam kong totoo iyon.
Kapalit
ng kagandahang-loob ni Nanding sa akin ay ang aking katawan. Sa simula
ay pinandirihan ko kapag may namamagitan sa amin. Ngunit kalaunan ay
nakasanayan ko na rin. Aaminin ko rin sayo Xerex na dumating ako sa
puntong nasiyahan na rin sa ginagawa namin ni Nanding, siguro dahil na
rin sa ipinakita niyang kabaitan sa akin.
‘Yun
lang Xerex, inaabutan ako ni Nanding ngunit hindi ko mapakinabangan ng
husto para sa aking pamilya. Hindi ko sila puwedeng bigyan dahil
imposibleng hindi magtatanong ang asawa ko kung saan galing ang pera.
Isa
lang ang naisip ko para magamit ang pera. Binabayaran ko pakonti-konti
ang mga nahiraman namin. Walang kaalam-alam sa ginawa ko ang aking
asawa. Ang pagkakaalam niya ay marami-rami na kaming pinagkakautangan
ngunit inunti-unti ko nang binabayaran ang mga ‘yun mula sa perang
ibinibigay ni Nanding sa akin.
Guminhawa
kahit paano ang kalooban ko dahil gumaan na ang mga kompromiso namin.
Ngunit kapalit nito ang katawan ko. Minsan binabagabag ako ng konsensya
dahil sa mga ginagawa ko lalo na noong nag-uumpisa pa lang kami ni
Nanding. Wala akong magawa dahil nakalublob na ang buong katawan ko sa
pagkakasala. Iniisip ko na lang na para rin sa kapakanan ito ng aking
pamilya.
Ngunit
ewan ko ba kung bakit sa kabila nito ay natutunan ding tanggapin ng
kalooban ko si Nanding. Nawala ang pandidiri ko kapag nagtatalik kami.
Palibhasa napakabait niya sa akin. Ang dating takot ay napalitan ng
kaligayahan kapag kasama ko siya. Ewan ko ba kung bakit biglang nagbago
at lumambot ang damdamin ko sa kanya kahit alam kong mali na itong
ginagawa ko.
Hindi
ko nagawang ilihim ito kay Nanding. Siya man kasi ay nakahalata sa
pagbabago ko. Ikinatuwa niya ito at lalo pa siyang bumait sa akin.
Ngunit sa kabila nito ay ginampanan ko pa rin ng maayos ang tungkulin
bilang asawa’t ina ng aking pamilya.
Isang
bagay lang ang napansin ko. Mula nang magbago ang damdamin ko kay
Nanding ay parang nag-iba naman ito sa aking asawa. Mas gusto ko pang
kasiping si Nanding kaysa sa mister ko. Tingin ko mas nasasarapan ako
tuwing patago kaming nagkikita ni Nanding kaysa palagian na lang katabi
ko sa pagtulog ang lalaking pinakasalan ko.
Simula
rin kasi noong nagkaroon kami ng mga problema sa bahay ay nawalan din
kami ng panahon ng aking asawa para sa isa’t isa. Nasubsob ang kanyang
isip sa pagtatrabaho dahil sa hirap ng buhay namin. Ako naman ay natuon
sa paggawa ng paraan upang makatulong sa kanya lalo na kapag nagigipit
kami. Mag-asawa nga kami ngunit wala nang namamagitang pisikal sa amin.
Iba
si Nanding dahil agresibo siya sa kama. At nang matutunan ko nang
tanggapin ang relasyon namin ay lalo pa siyang naging mainit sa
pagtatalik namin. Nadadala ako sa kanyang kapusukan. Sabi pa nga ni
Nanding sa akin, masarap daw pala ang ganito. Umayon ako sa kanyang
sinabi dahil nasasarapan na rin talaga ako sa piling niya.
Minsan
sa pag-uusap namin, binanggit sa akin ni Nanding na ano raw kaya kung
maghanap na lang kami ng kahit maliit na kuwartong matutuluyan kapag
nagkikita kami. Nagulat ako sa narinig sa kanya. Unang sagot ko agad ay,
“Sobra na yata ang gagawin natin.”
Matagal-tagal
na rin pala niyang pinag-iisipan iyon. Kaysa lagi na lang daw kaming
pumapasok ng motel, mas mabuti pa kung maghanap ng kuwarto na kahit
anong oras ay puwede naming puntahan. Dalawang-isip ako sa kanyang
sinabi. “Parang ibabahay mo na ako n`yan,”sabi ko.
Ngumiti
si Nanding sabay sabing kung gusto ko ay magsama na lang kami.
Hiwalayan ko na raw ang aking asawa at ihahanap niya ako ng matutuluyan.
Nang tanungin ko kung ganoon din ang gagawin niya ay umiling si
Nanding. Ako lang daw at doon na lang niya ako pupuntahan sa tutuluyan
ko.
“Seryoso
ka ba sa sinasabi mo?” tanong ko kay Nanding. Tumango siya sabay sabing
matagal-tagal na rin daw niyang pinag-iisipan ang bagay na iyon.
Ngayong napag-usapan na rin lang daw namin ay mabuti pang ituluy-tuloy
na namin tutal matagal na rin ang itinatago naming relasyon.
Hindi
ako nakahanda sa iminungkahi niya sa akin. Maraming bagay ang pumasok
agad sa isip ko. Niloko ko na ang aking asawa iiwanan ko pa ngayon ang
pamilya ko. Hindi ko masagot agad ang gustong mangyari ni Nanding sa
aming dalawa.
Siya
naman ay kinumbinsi ako ng kinumbinsi. Kagagahan, ewan ko ngunit
napapayag ako matapos ang ilang ulit pa naming pagkikita at
pangungumbinsi niya sa akin. Plinano niya muna ang lahat bago ako
tuluyang tumalikod sa aking pamilya.
Naghanap
ng matutuluyan kong kuwarto si Nanding. Nang makatagpo ay isinama ako
para makita ko raw muna ang lugar at kung gusto ko ay kukunin na niya.
Sinadya ni Nanding na malayu-layo sa lugar namin ang hinanap niyang
kuwarto. Walang nakakakilala sa amin sa lugar na iyon. Pabor daw iyon
para sa aming dalawa para akalain na bago pa lang kaming nagsasama
bilang mag-asawa.
Pinag-aralan
din namin ang araw ng pag-alis ko na siyempre itinaon kong walang tao
sa bahay. Isang sulat ang inihanda ko para sa aking asawa’t mga anak
ilang araw bago ang pinag-usapan namin ni Nanding na araw ng pag-alis
ko. Hindi rin ako naghanda ng damit para hindi makahalata ang asawa ko.
Saka lang ako nag-apura na ipunin ang mga damit ko at ilang personal na
gamit ng araw na mismo ng pag-alis ko.
Sa
sulat ay hindi ko nagawang ipagtapat sa aking asawa ang totoong dahilan
ng pag-alis ko. Hindi ko sinabi na kapitbahay lang namin ang lalaking
sinamahan ko dahil siguradong malaking gulo at eskandalo ang mangyayari.
Ang totoo ay hindi ko binanggit sa sulat na may sasamahan akong ibang
lalaki. Ang sinabi ko na lang ay magbabaka-sakaling makatagpo ng
maganda-gandang kapalaran at saka ko sila babalikan.
Ngunit bago ko inabandona ang aking pamilya ay may nabuo nang plano
sa isip ko. Sakaling hindi maging maganda ang pagsasama namin ni
Nanding ay babalikan ko ang aking pamilya. Siguro naman ay tatanggapin
pa rin ako ng aking asawa’t mga anak kapag idinahilan ko sa kanila na
nabigo akong makatagpo ng magandang kapalaran sa ibang lugar.
Sakaling
maging maganda naman ang pagsasama namin ni Nanding ay hinding-hindi ko
na sila babalikan. Inisip ko na magpadala na lang minsan ng pera buhat
sa maiipon ko galing sa ibinibigay sa akin ni Nanding. Sa ganitong
paraan man lang ay makatulong ako at mabawasan ang aking kasalanan sa
kanila bagama’t alam kong walang kapatawaran itong ginawa ko kung
malalaman lamang ng aking asawa ang buong katotohanan kung bakit iniwan
ko sila.
Parang
nagsisimula uli ako sa piling ni Nanding. Usapan namin na hindi
magkakaroon ng anak dahil baka maging kumplikado na ang sitwasyon kapag
nabuntis ako at nagsilang. Pumayag ako sa ganung usapan dahil naranasan
ko na ang magkaroon ng pamilya at hindi ko makayang buhayin. Sinabi ko
kay Nanding na ayoko nang maulit pa iyon.
Kinukuwento
na lang ni Nanding sa akin ang kanyang mga nababalitaan sa bahay namin.
Naglasing ang asawa ko at nagwala. Usap-usapan daw sa lugar namin ang
bigla kong pagkawala. Kahit hindi ko sinabi ang totoo sa iniwan kong
sulat, duda raw ang asawa ko na may sinamahan akong iba.
“Bumalik
ka man siguro baka hindi ka na tanggapin sa inyo,” ayon kay Nanding.
Wala na akong magagawa pa. Nandoon na. Nagpasya na ako at hindi ko na
tinalikuran pa ang napag-usapan namin ni Nanding. Ikinatakot ko lang
noon na baka malaman ng kanyang asawa ang totoo na siya ang dahilan ng
paglayo ko sa aking pamilya. Ngunit pinawi ni Nanding ang pangamba ko sa
pagsasabing pakaiingatan daw namin ang aming pagsasama.
Nagsama
nga kami bilang mag-asawa ngunit panay pagtatalik lang ang nangyayari.
Pinupuntahan ako ni Nanding kapag nakakagawa siya ng dahilan para hindi
umuwi sa kanila sa loob ng ilang araw. May mga pagkakataon na sandali
lang siya at umuuwi rin agad.
Kapag
nasa akin si Nanding ay walang ibang nangyayari kundi tikiman lang ng
tikiman. Walang kasawa-sawa si Nanding. Tuwing nasa akin siya ay panay
sex lang ang ginagawa namin. Napansin ko pa nga na parang mas lalo
siyang naging mapangahas sa mga pagtatalik.
Ang
mga hindi niya ginagawa sa akin noong nagmo-motel pa kami ay nagagawa
na niya nang mangupahan na kami ng kuwarto. Naging mas agresibo si
Nanding na parang laging sabik na sabik sa akin. May araw nga na
kararating pa lang niya sa akin ay nagyayaya na agad na mag-sex kami.
Ngunit
hindi nagbago ang kanyang ugali na mabait pa rin sa akin. Ako naman ay
wala nang ginagawa kundi alagaan ang aking sarili. Wala naman kasi akong
ibang pinagkakaabalahan. Kaya hayun, kabit talaga ang naging papel ko
sa buhay niya. Napansin din ni Nanding ang pagbabago sa akin dahil
bumabalik na raw ang dati kong itsura mula nang makalayo sa problema ng
aking pamilya.
Ganun
daw ang gusto niyang mangyari na alagaan kong mabuti ang aking sarili.
Nagsawa na raw kasi siya sa kanyang asawa na magmula nang magkaroon sila
ng mga anak ay hindi na marunong alagaan ang sarili, palibhasa abala sa
kanilang bahay.
Ang
totoo, kaya ko ginagawa ito ay dahil natatakot ako na balang araw ay
magbago rin ang isip ni Nanding at hiwalayan ako. Iniisip ko na sakaling
mangyari iyon ay wala na akong mababalikan pang pamilya. Kaya bukod sa
pagpapaganda para hindi niya iwanan ay lihim din akong nag-iipon sa
bawat ibinibigay niya. Hindi niya alam ito at ayoko ring banggitin sa
kanya.
Naging
open na rin ako pagdating sa sex dahil kay Nanding. Marami akong
natutunan sa kanya. Ang mga bagay na dati’y hindi ko ginagawa sa aking
asawa ay natutunan kong gawin sa kanya. Parang nag-eeksperimento kami
kapag nagtatalik. Marami siyang sinusubukang ipatikim sa akin.
Sa umpisa ay parang nahihiya pa ako sa kanya. Nakakapanibago dahil noon
kapag nagtatalik kami ng asawa ko ay iyong mga pangkaraniwang ginagawa
lang ng mag-asawa ang naranasan ko sa kanya tulad ng romansahan muna at
kapag matigas na matigas na si ‘Pedro’ ay ipapasok na niya ito sa akin.
Saka aarangkada nang todo-todo, sagad-sagaran hanggang sa labasan.
Ibang
klase si Nanding dahil sinabi niya pa mismo sa akin na dapat pareho
kaming masiyahan. Kapag pinuputukan siya, kailangang masarapan din ako
at makaraos. Kung anu-ano pa muna ang mga ginagawa niya sa akin.
Sari-saring posisyon sa bawat pagtatalik. Nagpipigil muna si Nanding
para makahabol din ako sa kanya. Madalas nga na nilalabasan din ako sa
kakaibang pakikipagtalik sa akin ni Nanding na hindi ko natikman noon sa piling ng aking asawa.
Kung
sa posisyon lamang sa sex ay maraming klase na ang natikman ko kay
Nanding. Patayo, pahiga, paupo, patalikod ay ginawa na niya sa akin.
Parang nag-eeksperimento nga kami sa dami ng sinusubukang paraan upang
parehong masarapan. Matagal siyang pumutok dahil ayon sa kanya ay
ginagamitan niya ako ng muscle control para labasan din ako.
Ngunit
ang paborito ko sa lahat ay ang patalikod na pagtira niya sa akin.
Natikman ko na rin ang iba’t ibang pamamaraan ni Nanding kapag tinitira
niya ako nang nakatalikod sa kanya. Mayroong nakatayo kami at parang aso
ako na kinukubabawan niya sa likuran. Tinira na rin niya ako nang
patalikod habang nakapatong ang aking mga tuhod sa gilid ng kama at siya ay nakatayo sa lapag. Mayroon pa na nakakapit ako sa dingding habang kinakadyot niya sa ganoong posisyon.
Ang
hindi ko lang nagustuhan ay nang subukan niyang ipasok si ‘Pedro’ sa
puwet ko. Masakit, napakasakit palibhasa may kalakihan ang ari ni
Nanding. Umaray ako at napasigaw sa sakit noong unang sinubukan niyang
gawin iyon sa akin.
Hindi ako pumayag at hindi rin naman niya ipinagpilitan pa na ituloy namin nang malaman na nasasaktan ako sa halip na masarapan.
Maliban
sa patalikod ay paborito ko rin iyong nagkakainan kami. Paiba-iba kami
minsan ng posisyon kapag ito ang gusto naming gawin. Minsan ako ang nasa
ibabaw, minsan ako ang nasa ilalim. Kinakain niya ako roon at sinusubo
ko naman ang kanya. Sa madaling salita ay sabay kaming abala sa
pagpapaligaya sa bawat isa kapag ganito ang posisyon na nakursunadahan
namin. Kanya-kanya kami ng subo, siya sa ari ko at ako naman sa ari
niya.
Masarap
kumain si Nanding dahil hinahanap talaga niya ang mani ko, ang
pinakasentro ng pagkababae ko sa pamamagitan ng kanyang dila. Kapag
nasalat na niya iyon ay pinaglalaro na ang kanyang dila tapos biglang
hihigupin ito. Napapatirik ang mga mata ko kapag ginagawa niya ito sa
akin. Natitigilan ako sa pagsubo sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang
kakaibang sarap at sensasyon na parang kuryenteng dumadaloy sa aking mga
kalamnan.
Kung
ganito ang posisyon ng pagtatalik namin, ipinagdidiinan ko talaga sa
kanya ang aking pagkababae kapag hinihigop na niya ang mani ko.
Nakakapanginig ng hita ang ginagawa sa akin ni Nanding. Minsan
nakakalimutan ko nang nakasubo sa bibig ko ang kanya ngunit wala naman
akong ginagawa kundi subu-subo ko lang iyon dahil tirik na ang mga mata
ko habang hinihigop niya ako roon.
Kapag
nalaman ni Nanding na nilabasan na ako, pakikilusin naman niya ako.
Hihiga iyan at pababayaan na laruin ko sa bibig ang kanyang ari.
Kapag
malapit nang labasan ay sasabihin sa akin para iluwa ko sabay
sasalsalin ko para makalabas lahat. Sumasabog sa kanyang puson at minsan
nga sa lakas ng putok ay kumakalat sa sapin ng kama namin ang malagkit at mainit-init na likidong galing sa kanya.
Noong
una naming ginawa ito ay parang asiwa akong gawin. Kailan man ay hindi
ko pa kasi ito ginawa sa asawa ko. Hindi namin ginawa ang magkainan.
Nandidiri pa nga ako noong una ngunit nakasanayan ko na rin dahil
masarap pala. Pinalilinis ko muna sa kanya ang ‘Pedro’ ni Nanding kapag
kursunada niyang gawin namin ang ganitong posisyon. Ganun din ang
ginagawa ko sa aking ari na hinuhugasan ko munang mabuti para maalis ang
panghi. Kaya mabangu-bango pa dahil sinasabon ko ito bago ipakain sa
kanya.
Hindi
rin mapigilan minsan ni Nanding ang kanyang sarili na mapahiyaw kapag
sarap na sarap sa pakikipagtalik ko sa kanya. Sinesenyasan ko nga minsan
na huwag maingay dahil nakakahiya kapag may nakarinig sa amin. Kaya
paimpit na halinghing na lang ang maririnig sa pagitan naming dalawa
kapag nagtatalik.
Ngunit
madalas na ako ang panay halinghing. Lalo na kapag nasa mood akong
makipagtalik sa kanya. May mga araw kasi na mas gusto ko pa na magkatabi
lang kami ngunit walang sex. Sabi ko sa kanya, hindi namin dapat
araw-arawin dahil baka magkasawaan kami. Hindi nga araw-araw dahil
minsan lang siyang nakakapunta sa akin, ang kaso kapag nagkita kami
siguradong maghapon at kapag doon pa siya natulog ay magdamagan halos na
wala siyang kasawaan.
Kapag
matagalan kami ay tumatamlay rin ang ari ni Nanding. Sakaling ganito na
ang nangyayari ay nagkakasya na lang kami sa romansahan. Ngunit para
tigasan uli siya ay dinidila-dilaan ko ang ulo at kapag tumigas ay
mabilis niyang ipinapasok sa akin.
Ganun
ang naging takbo ng buhay ko sa pagsasama namin ni Nanding. Mas lamang
ang sekswal kaysa pagsasamang emosyunal ang namamagitan sa amin. Likas
pala talaga na mahilig si Nanding. Napatunayan ko ito mula nang magsama
na kami.
Unti-unti
kong nakilala ang kanyang pagkatao. At unang-una sa naobserbahan ko nga
sa kanya ay ang pagkahilig niya sa sex. Laging may nangyayari sa amin
lalo na kapag sa loob ng isang linggo ay hindi siya nakakapunta sa akin.
‘Pagdating niyan sa akin, siguradong magpapakasawa na naman kami sa
pagtitikiman.
Ipinagtapat
din sa akin ni Nanding kapag nag-uusap kami pagkatapos magtalik na may
naobserbahan din daw siya sa kanyang sarili. Simula raw nang magsama na
kami ay parang nawalan na siya ng ganang makipagtalik sa kanyang asawa.
Mas gusto pa raw niya sa akin at iyon ang hindi niya maintindihan sa
kanyang sarili kung bakit biglang nanamlay ang kalibugan niya pagdating
sa kanyang asawa.
Sinagot
ko siya tungkol sa bagay na ito na baka lang kako talagang nagsawa na
siya sa kanyang misis. Sabi ko, ganun talaga siguro ang lalaki na hindi
mapalagay sa isang ka-partner lang. Mabilis magsawa sa iisang ka-partner
lang at naghahanap ng ibang putahe tulad ng kanyang ginawa sa akin.
Dito
ko sinabi sa kanya na baka naman kako ‘pag nagsawa na rin siya sa akin
ay bigla akong iiwanan at maghahanap ng iba na namang putahe. Sinagot
ako ni Nanding na hindi mangyayari iyon kaya wala akong dapat na
ikatakot.
Hindi
ko sineryoso ang kanyang sinabi sa akin. Ngunit hindi ko rin siya
sinagot sa kanyang sinabi. Sa isip-isip ko, malalaman ko rin ang totoo
balang araw bagama’t sa loob-loob ko ay huwag sanang dumating ang araw
na iyon. Kung sa bagay, napag-isipan ko na rin ang mga bagay na ito at
kahit papaano ay may paghahanda na rin akong ginawa sakaling
magkahiwalay rin kami.
Nakalalamang
ang sekswal sa relasyon namin ngunit hindi naman ako nagrereklamo dahil
mabait siya sa akin. Hindi nagbago ang ipinakikita niyang ugali sa akin
buhat noong hindi pa kami nagsasama hanggang sa ibinahay na niya ako.
Unti-unti ko ring nakikilala ang kanyang pagkatao na likas pala talagang
mabait kaya kahit paano ay suwerte pa rin ako sa pinatulan kong lalaki.
Ngunit
hindi nga siguro tumatagal ang mga relasyon na katulad sa amin ni
Nanding. Lalo pa’t wala talaga silang mabigat na problema ng kanyang
asawa bago niya ako kinabit. Ang kay Nanding ay kapritso lang ng
katawan. Dapat ngang sabihin ay tawag lamang ng laman. Gustong makatikim
ng ibang putahe dahil nagsasawa na sa araw-araw na ‘luto’ ng kanyang
asawa.
Nagsimula
kong mapansin sa kanya na bibihira na lamang akong puntahan noong
mahigit isang taon na ang aming relasyon. Subalit hindi naman siya
nagkukulang ng sustento at mabait pa rin ang pakikitungo sa akin. Iyon
nga lang, napuna ko na nagiging madalang na kung siputin niya ako sa
inuupahan kong kuwarto kaya hindi ko maiwasang mag-isip kung ano ang
nangyayari sa kanya.
Binanggit
ko itong naobserbahan ko sa kanya nang minsan ay dumating siya na
nakainom. Akala ko nga magyayaya sa akin na mag-sex kami gaya ng dati niyang ginagawa kapag dumating na nakainom ngunit kabaligtaran sa inaasahan ko ang nangyari. Humiga lang sa kama at gusto raw niyang magpahinga.
Sinamantala
ko ang pagkakataon na kausapin siya at dito ko sinabi ang napapansin
ko. Ang sagot sa akin ni Nanding ay medyo abala lang daw siya sa negosyo
nila. Iniiwasan din daw niya na baka makahalata na ang kanyang asawa
dahil minsan ay nagtatanong na sa kanya.
Inusisa
ko kung ano ang tinatanong ng asawa niya. Kung saan daw siya naglalagi
kapag ginagabi o hindi umuuwi sa kanilang bahay sa loob ng isa hanggang
dalawang araw. Nagagawan pa rin daw niya ng paraan ngunit ayaw niyang
umabot sa puntong baka mag-usisa na ang kanyang asawa at alamin kung ano
talaga ang totoong nangyayari sa kanya.
Wala
sa isip na nasabi ko kay Nanding na hindi problema sa akin sakaling
gusto na niyang tapusin ang relasyon namin. Tiningnan ako sa mata ni
Nanding, tingin na parang sinusukat ang aking sinabi. Hindi ako umimik
ngunit bandang huli ay pinaliwanag ko na okey lang kako sa akin kung
balak na niya akong layuan.
Katwiran
ko ay alam ko naman na balang araw ay puwedeng mangyari ito sa amin at
pinaghandaan ko na ang pagdating ng araw na iyon. Umiling si Nanding
saka nagsalita. Hindi raw mangyayari ang pinangangambahan ko dahil
maingat siya sa relasyon namin.
Pagkatapos
ay lumipat siya ng puwesto sa pagkakahiga. Tumalikod sa akin at
napansin ko na lang na nakatulog na pala. Bitin ang pag-uusap namin.
Wala akong nagawa kundi tumabi na rin sa kanya. Nakatulugan ko ang
malalim na pag-iisip sa katatapos lang naming pag-uusap.
Hindi
na nagising pa si Nanding sa buong magdamag. Tinulugan lang niya ako.
Kinabukasan ay nagtaka ako kung bakit ang aga niyang nagising. Kailangan
daw niyang umalis dahil may kausap siya sa negosyo nila. Hindi naman
niya dating ginagawa ito na maaga pa ay umaalis na sa akin.
Hahaba
pa ang kuwento kung iisa-isahin ko ang pangyayari nang mga sumunod na
araw. Masalimuot at napakabigat sa dibdib ko. Pinanghinaan ako ng loob
nang malaman ko ang tunay na dahilan kung bakit parang nanlalamig na sa
akin si Nanding.
Woman’s
instinct siguro dahil natunugan ko ang dahilan ng biglang pananamlay ng
dati’y masiglang pakikitungo niya sa akin. May ibang babae na naman si
Nanding. Nagsawa na rin siguro siya sa akin kaya naghanap uli ng ibang
kandungan. Naniniwala akong ganito nga ang nangyari sa kanya dahil ito
rin ang dahilan kung bakit naging mapilit siya na makuha ako hanggang sa
maibahay.
Kabit
na nga ako, naghanap pa ng ibang kabit si Nanding. Bale tatlong babae
na kami sa buhay niya. Una ang original niyang asawa, ako at itong
bagong dating na kasosyo ko ngayon sa atensyon niya. Masuwerte talaga
kapag bago dahil buhos ang atensyon ng lalaki sa iyo. Katulad noong
bago-bago lang ang relasyon namin ay alagang-alaga ako ni Nanding.
Panay-panay rin ang sex namin noon na bandang huli ay bigla siyang
tumamlay.
Kaya
pala nananamlay na sa akin eh, dahil may bago siyang kinagigiliwang
uwian at sipingan. Ang bigat sa loob ko na malamang may kinalolokohan na
naman siyang iba. Ngunit hindi na ako nagalit pa. Hindi ko rin siya
sinumbatan tungkol dito.
Kinausap
ko na lang si Nanding na kung ayaw na niya sa akin ay diretsuhin na ako
para tapos na ang relasyon namin. Ayaw pa raw niyang tapusin ang
pagsasama namin. “Ano’ng gusto mo, tatlo-tatlo kami na kung kailan mo
gustong uwian ay doon mo lang sisiputin?” sabi ko sa kanya.
Sukat
doon sa sinabi ko ay biglang nagalit si Nanding. Hindi naman daw siya
nagkukulang sa akin kahit nagloloko siya. Ganun pa rin daw ang binibigay
niya sa akin kahit may bago na siyang kinalolokohan. Totoo iyon ngunit
hindi ko gusto ang ganitong klaseng arrangement. Salu-salo na kami at
unang kinatakot ko ay baka magkasakit ako o sinuman sa amin sa kagagamit
ni Nanding.
Nagpasya
akong umalis na lang. Pinakiusapan ko siyang huwag na akong pigilan
para matahimik na rin ang buhay ko. Tinanong niya ako kung saan pupunta.
Wala kako dahil wala na rin akong uuwiang pamilya buhat nang sumama ako
sa kanya.
Hindi
na ako pinigilan ni Nanding. Binigyan pa niya ako ng konting halaga.
Pero sakaling magbago raw ang isip ko ay kontakin ko lang siya. Hindi ko
na ginawa ito. Tuluy-tuloy na ang pag-alis ko. Naisip ko rin na tama na
ang kalokohan ko. Marami na akong kasalanan unang-una sa aking pamilya
na inabandona ko.
Sa ngayon ay isang madilim na nakaraan na lamang ang turing ko sa naging takbo ng buhay ko noon. Inuusig ako minsan ng aking konsensya ngunit ipinagdarasal ko na lamang na sana’y patawarin ako sa mga ginawa ko.
WAKAS
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento